Hinahangaan
Si papa siya ang aking hinahangaan dahil sa kanyang kasipagan. Bata pa lamang ako mahilig na akong sumama sa kanya, tinutulungan ko sya sa ibang gawain.Sya ang aking papa na masipag,matiyaga,responsable,mabait at matulungin.
Si papa siya yung tipong tao na malambing sa aming magkakapatid.Ako ang mahilig nyang kalaro,kasama sa trabaho at katabi sa pagtulog. Ayaw nuya kaming nalilipasan ng gutom at lahat ng gusto namin ay binibili nya. Papa's girl ako kaya sa aming magkakapatid ako lang ang pinaghihigpitan niya, ganun din sya kila kuya pero mas lamang ako lambingin lalo na pag may sakit ako kasi ayaw ni papa na pumapayat ako. Si papa siya ang hinahangaan ko dahil responsable siya sa lahat.
Kaya bilang pasasalamat ko sa aking papa ay nag-aaral ako ng mabuti.Tutuparin ko ang aking pangako na "Magtatapos aki ng aking pag-aaral at magta-trabaho ako para sila naman aking alagaan. "Lahat tayo ay may kani-kaniyang hinahangaan pwede ang ating nanay, lolo at iba pa. Gawin natin silang inspirasyon upang tayo'y maging matagumpay sa buhay. Pahalagahan natin ang ating tatay at magulang at pasalamatan natin sila dahil sa binibigay nila. Kahit walang okasyon kamustahin at pasalamat natin ang ating tatay at magulang.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento