Kaibigan
Kaibigan na masasandalan, laging sumusuporta sa lahat ng oras at kasama ka sa hirap at ginhawa. Iba't iba man ang samahan plng pagkakaibigan pero maituturing natin itong isang pamilya o kapatid.
Sila yung tipong tutulungan ka, aasarin ka, sasamahan ka sa lahat ng kalokohan mo, susuportahan ka at dadamayan ka.Hindi man sila perpekto sila naman yung tutulong sayo sa oras ng kalungkutan.'di ka nila iiwan at papayuhan ka pa nila.Marami man o konti ang mahalaga ay buo kayong magkakabigang masayang magkasama.
Ang kaibigan ay walang pinipili kaya kung may kaibigan ka pahalagahan mo dahil sa oras na iniwan at binalewala mo sila hindi ka na makakahanap pa katulad nila. Mag-away man kayo ng paulit-ulit lagi mong tatandaan na masusulusyunan din yan. Kaya maging masaya kayo sa inyong kaibigan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento