Pagmamahal sa bayan Pagmamahal sa bayan ay tila nakalimutan na ng kabataan. 'di na iniingatan ang kapaligiran na dapat ay pinapahalagahan. "Kabataan ang pag-asa ng bayan",pano ba mapapatunayan yan kung hindi naman natin kayang gawin ang pagpapahalaga sa sarili nating bayan Paglaki ng populasyon, pagsira sa kapaligiran, maduduming ilog,at tambak na mga basura. Lahat ng yan ay dahil sa hindi pagpapahalaga sa sarili nating bayan. Pinapabayaan na madumi ang ilog at mabaho,pinuputol mga puno at pag bobomba sa mga dagat para lang makahuli ng maraming isda. Maraming mamamayan ang walang hanapbuhay dahil sa pagkasira ng ating kapaligiran kasabay nito ang paglaki ng populasyon sa ating bayan? Maraming mga tanong ang hindi pa nasasagot dahil hindi pinapansin ang bayan para lang sa sariling kagustuhan. Kailan mababawasan ang populasyon? Bakit hindi magawa ng mga mamamayan na magpahalaga ng ating kapaligiran? Kailan matatapos ang pagpapabaya sa ating bayan? Hang
Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2017
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Pamilya Pamilyang masaya, salo-salo, nagmamahalan at nagkakatampuhan. Maraming bata ang gusto ay masayang pamilya kahit hindi sila mayaman basta masaya't kumpleto sila.Meron din naman na pamilyang mayaman pero di sila buo at medyo walang napagkakasunduan. Hindi man kumpleto ang pamilya ko mahal ko naman sila, kahit minsan na ang daming problema pero dumaan lang sila sa buhay namin dahil ginawan namin ng solusyon upang ito'y matapos. 'Di man magkakasundo ang importante buo at sama-sama. Hindi man katulad ng iba pero mananatili pa rin sa puso ko o sainyo na isang pamilya. Pamilyang pinakamalaking bagay na ibinigay saatin ng diyos.Pinakamahalaga sa lahat at dapat ito'pinapahalagahan. Maraming nagsasabi na mas masaya kung buo ang pamilya pero para sakin hindi man kaming buong pamilya ang magkakasama ang mahalaga mahal namin ang isa't isa at may pagkakaunawaan. Mahalin at pahalagahan natin ang ating pamilya upang mas maging masaya, matatag at maayos ang samahan.
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Hinahangaan Si papa siya ang aking hinahangaan dahil sa kanyang kasipagan. Bata pa lamang ako mahilig na akong sumama sa kanya, tinutulungan ko sya sa ibang gawain.Sya ang aking papa na masipag,matiyaga,responsable,mabait at matulungin. Si papa siya yung tipong tao na malambing sa aming magkakapatid.Ako ang mahilig nyang kalaro,kasama sa trabaho at katabi sa pagtulog. Ayaw nuya kaming nalilipasan ng gutom at lahat ng gusto namin ay binibili nya. Papa's girl ako kaya sa aming magkakapatid ako lang ang pinaghihigpitan niya, ganun din sya kila kuya pero mas lamang ako lambingin lalo na pag may sakit ako kasi ayaw ni papa na pumapayat ako. Si papa siya ang hinahangaan ko dahil responsable siya sa lahat. Kaya bilang pasasalamat ko sa aking papa ay nag-aaral ako ng mabuti.Tutuparin ko ang aking pangako na "Magtatapos aki ng aking pag-aaral at magta-trabaho ako para sila naman aking alagaan. "Lahat tayo ay may kani-kaniyang hinahangaan pwede ang
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kaibigan Kaibigan na masasandalan, laging sumusuporta sa lahat ng oras at kasama ka sa hirap at ginhawa. Iba't iba man ang samahan plng pagkakaibigan pero maituturing natin itong isang pamilya o kapatid. Sila yung tipong tutulungan ka, aasarin ka, sasamahan ka sa lahat ng kalokohan mo, susuportahan ka at dadamayan ka.Hindi man sila perpekto sila naman yung tutulong sayo sa oras ng kalungkutan.'di ka nila iiwan at papayuhan ka pa nila.Marami man o konti ang mahalaga ay buo kayong magkakabigang masayang magkasama. Ang kaibigan ay walang pinipili kaya kung may kaibigan ka pahalagahan mo dahil sa oras na iniwan at binalewala mo sila hindi ka na makakahanap pa katulad nila. Mag-away man kayo ng paulit-ulit lagi mong tatandaan na masusulusyunan din yan. Kaya maging masaya kayo sa inyong kaibigan.