Pagmamahal sa bayan
Pagmamahal sa bayan ay tila nakalimutan na ng kabataan. 'di na iniingatan ang kapaligiran na dapat ay pinapahalagahan. "Kabataan ang pag-asa ng bayan",pano ba mapapatunayan yan kung hindi naman natin kayang gawin ang pagpapahalaga sa sarili nating bayan Paglaki ng populasyon, pagsira sa kapaligiran, maduduming ilog,at tambak na mga basura. Lahat ng yan ay dahil sa hindi pagpapahalaga sa sarili nating bayan. Pinapabayaan na madumi ang ilog at mabaho,pinuputol mga puno at pag bobomba sa mga dagat para lang makahuli ng maraming isda. Maraming mamamayan ang walang hanapbuhay dahil sa pagkasira ng ating kapaligiran kasabay nito ang paglaki ng populasyon sa ating bayan? Maraming mga tanong ang hindi pa nasasagot dahil hindi pinapansin ang bayan para lang sa sariling kagustuhan.
Kailan mababawasan ang populasyon? Bakit hindi magawa ng mga mamamayan na magpahalaga ng ating kapaligiran? Kailan matatapos ang pagpapabaya sa ating bayan? Hanggang kailan matatapos ang suliranin sa ating bayan?.Maraming tanong ang gustong masagot pero wala pa rin nakakasagot kung bakit 'di na lang pahalagahan ng mga tao ang ating bayan at kapaligiran. Mahalin at pahalagahan ang ating kapaligiran dahil pag nawala at nasira ito hindi na tayo muling uunlad pa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento